Advertisers
ARESTADO ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) na nagpanggap na pulis sa operasyon ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa Talisay, Batangas.
Kinilala ang inaresto na si Arvin Luzaran Sumague alyas “Corporal Edison”, dating OFW, 42 anyos, ng 170 Iwahig St., Brgy. Sta Maria, Talisay.
Ayon kay Brig. Genetal Warren F. De leon, director PNP IMEG, 5:40 ng hapon nang arestuhin ng mga elemento ng PNP-IMEG Region 4 si Sumague sa Alfamart, Brgy. Banga sa Talisay.
Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng isang Peter Paul Pascuguin na kinikikilan ng P2,000 ni Sumague para umano sa proteksyon sa mga sugalan sa burol ng kanyang pinsan na namayapa sa kanilang bahay sa Talisay.
Ayon kay Sumague, inutusan lang siya ng isang pulis na si Sgt. Joel Austria na kolektahin ang nasabing pera. (Mark Obleada)