Advertisers

Advertisers

Single ticketing system ipatutupad sa susunod na taon – LTO

0 142

Advertisers

PLANO ng Land Transportation Office na ipatupad na sa unang quarter ng taong 2023 ang single ticketing system.

Ayon kay LTO chief Jay Arthur Tugade, ito ay para magkaroon ng pantay-pantay na halaga ng multa sa mga pasaway na motorista.

Sa ngayon aniya, nagpapatuloy ang ginagawang konsultasyon sa mga stakeholders.



“Hindi naman po sa pinag-aaralan pong itaas ang mga violations; ang ginagawa po ngayon, isa nga po sa objective po noong single ticketing system is to harmonize the different traffic violations and the different traffic penalties being imposed by the different agencies authorized to issue traffic ticket. At saka iyong mga ibang LGUs po natin iba-iba rin po iyong mga penalty na pinapataw po nila sa mga iba’t ibang traffic violations,” ani Tugade.

Sa ganitong paraan din aniya ay mamonitor ng pamahalaan kung sino sa mga motorista ang sumusunod sa mga batas trapiko.