Advertisers
NAKAKALAP ng bago at matibay na ebidensiya ang Criminal Investigation and Detection Group tungkol sa mga nawawalang sabungero.
Sabi ng CIDG, nakakuha sila ng phone video kungsaan ang pinagdududahang dalawang pulis at mga nawawalang sabungero ay nakita sa labas ng sabungan sa Santa Cruz, Laguna.
Sa isang statement, sinabi ni CIDG chief, Brigadier General Ronald Lee, na ang video na kuha April 28, 2021 ay makikitang nakaposas ang mga sabungero.
“Based on the ‘secret’ cellphone video showing two men and a handcuffed missing sabungero walking outside a cockfighting arena in Santa Cruz, Laguna on April 28, 2021, we now hold vital evidence on our probe in the disappearance of the said sabungeros,” sabi ng opisyal.
Ang isang sabungero na nakaposas ay positibong kinilala ng kanyang misis at kapatid na si Michael Bautista – isa sa 34 missing sabungeros – base sa kanyang gupit, pangangatawan, at mga kasuotan.
Ayon sa opisyal, mayroon ng lead ang kanilang imbestigador sa pagkakilanlan ng dalawang lalaki habang ang cellphone video ay pinalilinaw pa sa PNP Anti-Cybercrime Group.
“Kinakailangan parin nating ipa-enhance ‘yung video upang ma-establish nating mabuti ang pagkakakilanlan nung mga suspek na hinihinalang mga pulis,” sabi ni Gen. Lee.