Advertisers

Advertisers

Floating walk bridge itinayo sa ilog na nag-uugnay sa Quezon at Batangas

0 368

Advertisers

KONEKTADO na muli ang mga bayan ng Sariaya sa Quezon at San Juan sa Batangas para sa mga magtatawiran sa dalawang bayan sa pamamagitan ng Bantilan river.

Ito ay matapos maglagay ang Philippine Coast Guard (PCG) ng pansamantalang floating pontoon walk bridge sa buong kahabaan ng ilog nitong Martes kapalit ng dating tulay na nawasak ng nakaraang bagyong Paeng.

Ayon sa Philippine Coast Guard ang nasabing floating walk bridge ay may lapad na apat na metro at may habang nasa humigit kumulang sa 70 metro.



Katuwang philippine coastguard sa proyekto ang LGU ng Sariaya at San Juan.

Ayon kay PCG Commodore Inocencio Rasario, Jr., PCG commander sa Southern Tagalog, ligtas gamitin ang Pontoon bridge bilang pansamanlang tawiran ng mga tao, at kasabay nito ay magdedeploy sila ng tropa upang magbantay at magpatupad ng safety measures simula umaga hanggang gabi katulong ang local government units.

Kakayanin ang sampung katao na makatawid ng sabay sabay sa pontoon bridge na gawa sa fiberglass at magagamit din ito ng pangmatagalan habang inaantay pa ang kongretong tulay na inaasahang isasagawa sa susunod na taon.

Ayon kay Sariaya Mayor Marcelo Gayeta, napakalaking papel ng Bantilan bridge para sa mga mamamayan ng Sariaya at San Juan Batangas dahil ito nagsisilbing tawiran ng produktong pang agrikultura at lagusan patungo sa eskwelahan, trabaho at negosyo.

Ganito din ang pahayag ni San Juan Mayor Ildebrando Salud, na napakahalaga aniya ng tulay na ito sa buhay at kabuhayan ng kanyang mga kababayan na magsasaka, na pinakamabilis na daan sa pagluwas ibat-ibang klase ng gulay patungo sa malalaking bagsakan ng gulay at pamilihan sa Quezon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">