Advertisers

Advertisers

11 mangingisda naligtas sa lumubog na bangka

0 188

Advertisers

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Cast Guard (PCG) ang 11 mangingisda matapos lumubog ang kanilang bangkang pangisda sa karagatan sa pagitan ng Tictabon Island at Mampang, Zamboanga City.

Sa report, nakatanggap ang PCG ng tawag mula sa mga residente ng Mampang hinggil sa tumaob na bangka, F/B JAYA-1, sakay ang 11 mangingisda kabilang ang kapitan nito 10:00 ng gabi.

Dalawa sa mangingisda ang unang nasagip ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group.



Nailigtas naman ng PCG Station Zamboanga ang apat na mangignisda na nasa maayos na kalagayan.

Nakalipas ang isang oras, nasagip rin PCG search and rescue (SAR) team ang lima pang mangignisda na nasa ibabaw ng tumaob nilang bangka na tinatayang may layong 2.5 nautical miles mula sa baybayin ng Mariki Island sa Zamboanga.

Nahatak ng Philippine Navy floating asset ang lumubog na bangka hanggang sa malapit na dalampasigan.

Malalaking alon ang dahilan ng paglubog ng bangka.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">