Advertisers

Advertisers

Ikatlong batam-batang misis, tinodas ng 2nd wife

0 176

Advertisers

TINODAS ng 40-anyos na ikalawang asawa ang 15-anyos na ikatlong misis ng isang Maranaw dahil sa matinding pagseselos sa Marawi City nitong Martes.

Sinabi ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), nasa kustodya na ng Marawi City Police ang salarin na si Casmera Ampaso, nang maaresto sa pagpatay sa kanyang karibal sa kanyang mister na isang menor-de-edad.

Agad na ikinulong si Ampaso nang barilin ng .45 caliber pistol ang batang ikatlong misis ng kanyang mister sa Marawi City, Martes ng hapon.



Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagselos si Ampaso dahil sa sobrang ipinakikitang pagmamahal at pag-aasikaso ng kanyang 50-anyos na mister na si Ayaon sa bagong batam-batang asawa.