Advertisers
DINAKIP ng pulisya ang isang lalaking naghanap ng “dinosaur” sa isang lechon manok store sa Daet, Camarines Norte.
Ayon sa ulat, nagwala ang lalaki nang hindi makuha ang binibiling “dinosaur”. Nagbanta pa itong babarilin ang ibang kostumer.
Agad siyang ini-report ng mga kostumer sa pulisya.
Dinakip ang lalaki ng mga tauhan ng Daet Municipal Police Station.
Tingin ng empleyado ng tindahan, nagti-trip lang ang lalaki dahil may kumukuha raw ng video sa ginagawa niya.
Posibleng maharap ang lalaki sa mga kasong ‘grave threat’ at ‘alarm and scandal’.