Advertisers

Advertisers

Pagpapalawig ng EO 171, pinalagan ng mga magsasaka

0 199

Advertisers

Tutol ang grupo ng Pork Producer Federation of the Philippines Inc. sa mungkahing palawigin ang EO 171 na nagpapababa ng taripa sa imported na karne.

Dumadaing na ang mga naturang samahan ng magbababoy sa patuloy nilang pagkalugi at hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakabango dulot ng pandemya dala ng Covid-19 at patuloy pa rin tinatamaan ang ilang mga lugar ng African Swine Fever (ASF).

Ayon sa grupo ng Pork Producer Federation of the Philippines, na hindi nakatutulong ang Executive Order 171 sa mga lokal na magsasaka at nag- aalaga ng baboy na nagbabawas ng taripa sa mga imported agricultural products.



Anila, nasa P12 bilyon ang nawala sa kolesyon ng pamahalaan dahil sa mababang taripa sa imported products na kung hindi ipinatupad nagamit sana pantulong sa mga nalugi sa ASF.

Apela ng grupo sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Rolando Tambago, huwag nang palawigin pa ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang EO 171.

Nabatid na magtatapos ang effectivity ng EO na inisyu ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakdang mapaso sa katapusan ng taon, na itinutulak umano ng mga economic manager na palawigin ito hanggang 2023.

Giit ng grupo dapat pagtuunan ng pansin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang protektahan ang lokal na agrikultura sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga programa.

Ayon kay AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones, na malaki naman daw ang imbentaryo ng baboy sa bansa na sobra pa hanggang sa 1st quarter ng 2023.



Iginiit pa ng grupo, na posibleng magbigay daan ang gagawing papapapalawig ng EO 171 sa malawakang smuggling sa bansa.

Sinabi pa ni Briones, na nakikipag-ugnayan na sila sa Dept. of Agriculture (DA).

Nais din umano nilang laliman pa ni Pangulong Marcos ang konsultasyon at dayalogo sa mga masasaka at mga nag-aalaga ng hayop, gayundin sa mga stakeholders.

Hinihimok din ng grupo si PBBM na manindigan sa kanyang pangako na protektahan at suportahan ang mga magsasaka at mangingisda kaugnay ng iminungkahing pagsapi ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) trade agreement. Ang pagpasok sa anumang kasunduan sa kalakalan o pang-ekonomiya ay dapat na nakabatay sa pagkakapantay-pantay, katumbasan, mapapakinabang ng isa’t isa at ng pambansang interes.