Advertisers

Advertisers

Recruiter para sa mga nais maging pulis at nanghihingi ng pera, kulong!

0 259

Advertisers

SWAK sa kulungan ang isang lalaki na nanghihingi ng malaking halaga sa mga nagnanais maging pulis matapos maaresto sa entrapment sa Masbate.

Kinilala ang naaresto na si Reynaldo Andaya Jr. Nadakip siya sa entrapment operation ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group sa bayan ng Baleno.

Ayon sa pulisya, nagpapanggap si Andaya na mula sa Recruitment and Selection Services ng PNP at nanghihingi ng pera sa mga gusto maging pulis.



“Ang aplikante [hinihingan niya] ng around P40,000. Siya ‘yung ang mag-process daw, mayroon daw siyang kakilala du’n sa recruitment board sa Camp Ola sa Region 5. ‘Yun daw ang pambayad niya sa medical, sa dental, sa neuro, sa PFT hanggang sa pag-take oath na ng aplikante natin,” sabi ni Masbate Provincial officer Major Dave Abarra.

Nabawi mula kay Andaya ang perang ibinayad ng pulis na nagpanggap na aplikante para magamit na ebidensiya.

Wala pang komento si Andaya na nagpakilala ring kawani ng accounting office ng lokal na pamahalaan ng Masbate.

Dumagsa sa himpilan ng pulisya ang mga nabiktima ni Andaya, na mahaharap sa reklamong extortion robbery.

“Wala talaga siyang koneksyon du’n sa loob. Actually, Sir, may lima pang additional complainant na dumulog dito sa atin sa CIDG at nag-execute po ng affidavit. For filling na rin po ang complaint nila,” sabi ng CIDG.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">