Advertisers

Advertisers

Sens. Go, Marcos, Dela Rosa umayuda sa mga nasunugan sa Cebu

0 173

Advertisers

Nagbayanihan sina Senators Christopher “Bong” Go, Imee Marcos at Ronald “Bato” dela Rosa sa inorganisang relief operation para sa 665 pamilyang napinsala nang husto ang mga bahay sa insidente ng sunog sa Mandaue City, Cebu.

Matapos ang pagbisita sa Mandaue City, bumisita rin sina Go at dela Rosa sa isa pang komunidad na nasunugan sa Cebu City kung saan 272 pamilya ang nabigyan ng tulong.

Bukod sa agarang tulong na ibinigay ng kanilang mga tanggapan sa pakikipag-ugnayan sa mga pambansang ahensya, hinimok ng mga senador ang lokal na pamahalaan na pakinggan ang hinaing at alalahanin ng mga biktima ng sunog para sila’y makabangon mula sa trahedya.



Isinagawa sa Mandaue City Sports Complex at Ma. Gochan Sports Complex sa Cebu City, nagbigay ang mga senador ng grocery packs, pagkain, masks at kamiseta sa bawat apektadong sambahayan.

Ang Department of Social Welfare and Development ay nagpaabot naman ng tulong pinansyal sa mga pamilyang nasunugan. Ilang piling benepisyaryo ang binigyan ng mga bisikleta, cellular phone, sapatos, relo, payong, at bola para sa basketball at volleyball.

“Sa mga fire victims sa Mandaue (City) at Cebu (City), sana nasa mabuti kayong kalagayan. Huwag kayong mawalan ng pag-asa, ang importante ay buhay kayo. Ang gamit mabibili natin ‘yan, ang pera kikitain natin ‘yan. Pero ang perang kikitain natin ay hindi mabibili ang buhay. Ang nawalang buhay ay isang nawalang buhay magpakailanman. Magtulungan lang tayo, kaya natin ito,” ani Go.

Sinabi rin ni Go na patuloy niyang ipaaabot ang kanyang suporta sa mga distressed na pamilyang Pilipino sa gitna ng pandemya upang mapabilis ang kanilang paggaling.

Bilang senador, siya ang pangunahing nag-akda at nag-sponsor sa pagpasa ng Republic Act No. 11589, o kilala bilang Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Act. Ang pangunahing sponsor ng panukala ay si Senator dela Rosa.



“Importante po na mabigyan ng suporta ang modernization ng ating Bureau of Fire Protection dahil napakaimportante ng tungkulin na ginagampanan nila para makapagligtas ng buhay,” paliwanag ni Go.

“Halos linggo-linggo akong bumababa sa mga nasusunugan. Nakikita ko ang hirap ng ating mga kababayan. Kahit isang bahay lang ang masunog, damay pati ang kapitbahay. Maraming pamilya ang apektado kaya dapat na palakasin natin ang kapasidad ng BFP sa pagreresponde sa sunog, ” idinagdag niya.

Nag-alok si Go ng tulong sa mga nangangailangan ng medikal na atensyon. Hinimok niya ang mga ito na bisitahin ang alinman sa anim na Malasakit Centers sa lalawigan kabilang ang mga nasa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City at Eversley Childs Sanitarium and General Hospital sa Mandaue City.

Ang Malasakit Center ay unang naitatag sa VSMMC noong 2018. Si Go, na siyang tagapangulo ng Senate committee on health and demography, ay matagumpay na nagtulak sa programa na ma-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 11463. Ngayon ay nakapagtatag na ng 153 Malasakit Centers sa buong bansa.

“Nasa gitna pa tayo ng krisis dulot ng COVID-19, nasunugan pa sila… kaya mapasaya man natin sila kahit sandali, masaya na rin kami. Nawawala ang aming pagod. Nakita natin kanina, yung mga babae umiiyak mamaya humahagikgik na po, naiiyak po sa tawa at saya, mapasaya man lang namin sila kahit sandali, masaya na rin kami. Mahal po namin ang aming kapwa Pilipino,” pagtatapos ni Go.