Advertisers

Advertisers

Motorsiklo inararo ng SUV: 3 nasawi

0 199

Advertisers

PATAY ang magkapatid nang araruhin ng sport utility vehicle ang sinasakyan nilang motorsiklo na ikinasawi rin ng isang negosyante sa Kabacan, Cotabato.

Dead-on-the-spot ang magkapatid na Jomar at Marissa B. Damanda, kapwa nasa tamang edad, estudyante, ng Barangay Pedtad, Kabacan.

Nasawi rin ang negosyanteng si Alawiya P. Manda, 82 anyos, ng Dagook, Lumbatan, Lanao Del Sur.



Hawak na ng pulisya ang driver ng SUV na Toyota Innova na si Najeb Taratingan Macapagal, 26, ng Pagamatan Linuk, Tamparan, Lanao del Sur.

Batay sa report ng Kabacan Traffic Section-PNP, 3:25 ng hapon nang maganap ang insidente sa national highway na sakop ng Sitio Basak, Brgy Kayaga sa Kabacan

Sa imbestigasyon ng pulisya, parehong binabaybay ng motorsiklo at SUV ang nasabing lugar nang pumutok ang gulong ng SUV. At naararo ang motorsiklo na nagresulta ng agarang kamatayan ng magkapatid.

Dumiretso naman sa bakal na barrier ang SUV at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Manda.

Posibleng maharap sa patung-patong na kaso ang SUV driver.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">