Advertisers

Advertisers

Palawakin ang saklaw ng Kadiwa store – Rep. Roman

0 153

Advertisers

MAKABUBUTI sa mga magsasaka at mamimili ang pagpapalawak ng saklaw ng Kadiwa store project.

Ito ang sinabi ni Bataan 1st district Representative Geraldine Roman kasunod ang pagsulong na maipasa ang House Bill 5601 o ang “Magna Carta for Agricultural Workers and Revitalized Agriculture Value Chain of 2022.”

Ipinaliwanag ni Roman na sa pamamagitan ng Kadiwa system ang mamamayan ay makakabili ng mas mababang halaga ng mga bilihin. Gayunpaman, ang mga magsasaka naman ay maaring kumita sa kanilang mga ani o kalakal na hindi pinapasa ang malaking halaga ng produksyon sa mga mamimili.



“What we experienced during the pandemic should be a lesson learned in terms of logistics and supply chain planning,” sabi ni Roman, chairperson ng House committee on wo-men and gender equality.

Sa explanatory note ng kanyang panukala, sinabi ni Roman na itatatag ang Kadiwa bilang government arm na direktang pagbili sa mga magsasaka, upang matiyak na maibabalik ang puhunan at makibahagi sa muling pagsigla ng agriculture value chain.

“The value chain addresses supply chain gaps within the agriculture industry and develop an alternative market for domestically-produced agricultural goods completely dedicated to maximizing the economic benefit of both producers and consumers,” dagdag ni Roman.

Sa panukala, sinabi ng mambabatas mula sa Bataan na itatatag ang isang infrastructure map sa pamamagitan ng pagbibigay ng katatagan ng loob sakaling ang supply chain ay makompormiso sa mga natural o man-made na kalamidad.

“We need to transform agriculture to a sustainable and diversified sector to ensure economic recovery, reduction of poverty and food security,” pagtatapos ni Roman.



Pantay na pagkakataon ang isinusulong ni Roman para sa lahat ng Pilipino. Para sa kanya, ang pagkapantay-pantay sa pagtrato ng mga indibiduwal na walang hadlang, maling pananaw, kagustuhan, maliban ito’y may pagkakaiba at malinaw na makatuwiran. Matatag na naninindigan at bukas ang adhikain ng mambabatas sa pagsulong ng pagkakataon para sa lahat ng Pilipino na walang kinikilingan sa kayamanan, katayuan o pagiging miyembro ng isang maimpluwensiyang grupo.