Advertisers

Advertisers

2 MMDA enforcers, 4 pa sugatan sa sagasa at saktan ng SUV driver

0 173

Advertisers

SUGATAN ang anim katao, kabilang ang dalawang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nang masagasaan at saktan ng isang driver ng SUV sa Quezon City, Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasaktang MMDA traffic enforcers na sina Jomari Dayrit at Charlon Bartolome.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa Quezon Avenue.



Ayon kay Dayrit, naka-stop ang dalawang motorsiklo sa intersection nang inararo sila ng SUV.

Nasaktan ang mag-asawang sakay ng isang motor, at ang Joyride rider at ang kanyang angkas.

Hinabol ng mga MMDA traffic enforcer ang SUV, ngunit nagalit ang driver nito, kinalmot at sinakal ang isang traffic enforcer.

Sinira rin ng SUV driver ang uniporme ng MMDA enforcer.

Tinangka namang awatin ng isa pang MMDA enforcer ang SUV driver, ngunit sinipa naman siya nito sa mukha, kuwento ng enforcer.



Dito na pinosasan ang SUV driver.

Agad namang tinulungan ng mga awtoridad ang mga biktima.

Mahaharap sa mga kasong physical injury, attack of person in authority, at damage to property ang driver.