Advertisers
NADAKIP ang tatlong salarin sa pagpaslang sa dalawang pulis sa follow up operation ng pulisya sa Mabalacat City, Pampanga.
Kinilala ang mga nadakip na sina Jun Jun Espiritu Baluyut, 44 anyos; Aries Espiritu Bagsic, 40; at Leslie Placiente, 30.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Rodolfo Azurin, 3:30 ng madaling araw nitong Linggo nang madakip ang mga salarin sa South Daang Bakal Road, Barangay Dau, Mabalacat City.
Nitong Sabado ng madaling araw, sakay ng isang motorsiklo sina SMSgt. Sofronio Capitle Jr., at SSgt Dominador Gacusan Jr., kapwa miyembro ng Mabalacat City Police Station – Drug Enforcement Unit, mula sa katatapos lang na anti-drug operation nang sundan sila ng limang gunmen na sakay ng dalawang motorsiklo at pinagbabaril nang maabutan. Dead on the spot ang dalawang pulis.
Nasa kustodiya ng Pampanga PNP ang mga salarin na nakatakdang sampahan ng reklamo sa City Prosecutor Office.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at pagtugis ng pulisya sa ilan pang nakatakas na mga salarin. (Mark Obleada/Thony Arcenal)