Advertisers

Advertisers

Maynila, wagi ng ‘Excellence in Digital Public Service’!

0 163

Advertisers

WAGI ng ‘Excellence in Digital Public Service’ ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Honey Lacuna. Ang panibagong karangalan ay iginawad ng GCash sa katatapos na Digital Excellence Awards.

Ayon kay Lacuna, kinilala ng digital wallet service provider ang matinding paglago ng mga transaksyon sa online payments nitong 2022 sa pamamagitan ng City’s Go Manila App and Website ( www.gomanila.com ).

Nabatid na isinama ng parehong platforms ang pagbabayad sa pamamagitan ng GCash para sa business at real property taxes, applications para sa civil licenses at certifications, cedulas at permits.



Labis na nagpasalamat ang kauna-unahang lady mayor ng kabisera ng bansa matapos na malaman na ang Maynila lamang ang nag-iisang local government unit na ginawarang ng Excellence in Digital Public Service ng GCash sa taong ito.

Ang nasabing karangalan ay tinanggap ng electronic data processing (EDP) sa pamumuno ni Fortune Palileo na labis na pinuri ni Lacuna dahil sa napakahusay na trabaho.

Samantala, pinuri din ng alkalde si Universidad de Manila (UDM) president Ma. Felma Carlos-Tria matapos na matamo nito ang above national passing rate sa nursing board exams.

Ang UDM, ayon kay Lacuna ay nakakuha ng overall rating na 87.61% noong November 2022 Philippine Nurse Board Examination, na mas mataas sa national passing rate na 74.40%

Ayon pa sa alkalde, ang rating na 93.88% para sa first- time takers ay nakuha ng pamantasan, kung saan 92 sa mga graduates nito ang nakapasa. Kabilang sa 18,529 na kumuha ng Nursing Board sa bansa ay 113 examinees mula sa UDM.



Sinabihan ni Lacuna si Tria na panatilihin ang mahusay sa gawain at nagpahayag ng pagmamalaki sa natamo ng mga mag-aaral ng UDM. (ANDI GARCIA)