Advertisers
SWAK sa kulungan ang isang dating mixed martial arts (MMA) fighter nang makunan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa Cebu City, Sabado ng madaling-araw.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Visayas, dinakip si Slotty Avila, 34 anyos, sa bisa ng ‘arrest warrant’ sa bahay ng kanyang kinakasama sa Sunset Drive, Barangay Lahug, Cebu City 5:00 ng umaga.
Nasamsam kay Avila ang kalahating kilo ng shabu na nakalagay sa 25 pakete,3 digital na timbangan, sari-saring lalagyang plastik ng mga online shopping company at courier services, mga resibo ng money transfer at drug paraphernalias.
Sinabi ni PDEA Director Levi Ortiz, itinuturing na high-value individual sa operasyon ng iligal na droga si Avila at gumagamit ito ng mga pakete ng online shopping firm at courier services para itago ang shabu.
Panay online transaction ang ginagawa ni Avila at ilan dito iniiwan niya sa isang lugar para i-pickup ng kanyang mga buyer o personal nitong dini-deliver sa kanyang mga customer sa Cebu City.
“The social media was a big factor in his entering the selling of illegal drugs and shabu,” ayon kay Ortiz.
Samantala, tinangka rin umanong manlaban ni Avila nang aarestuhin ito ng mga pulis.