Advertisers

Advertisers

Bantag lumutang sa imbestigasyon sa Lapid murder

0 144

Advertisers

LIMUTANG na si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief, Gerald Bantag, kasama ang kanyang abogado na si Atty. Rocky Balisong sa pagpapatuloy ng ‘preliminary investigation’ sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid nitong Lunes, Disyembre 5, sa Department of Justice (DoJ) sa Maynila.

Si Bantag ang isa sa itinuturong mastermind sa pagpatay kay Lapid, at ang itinuturo rin na middleman na si Jun Villamor.

“Sabi nila nagtatago ako. Hindi naman,” sinabi niya pagkapasok na pagkapasok mismo sa bisinidad ng DOJ.



Matatandaan na noong Nobyembre 23, hindi nakadalo si Bantag sa dapat sana unang pagdinig sa naturang kaso dahil sa maling middle name na nailagay sa subpoena laban sa kanya.