Advertisers

Advertisers

Bebot, ginahasa ng team leader sa trabaho

0 178

Advertisers

Ginahasa umano ng team leader sa trabaho ang isang babaeng working student habang nag-iinuman sa bahay ng isang kasamahan nitong Sabado.

Sa ulat, nagpasaklolo sa barangay ang 20 anyos na biktimang si Joyce, hindi niya tunay na pangalan.

Sinabi ni Joyce na apat na babae at apat na lalaki ang kainuman niya. Karamihan daw sa mga ito ang kanyang kasamahan sa trabaho.



“Nag-blackout po kasi ako tapos ang nag-asikaso po sa akin ‘yung asawa ng may-ari ng bahay. Inakyat po ako sa kwarto nila para magpahinga. Tapos ang kwento po sa akin nu’ng asawa, ang kulit-kulit daw po ng TL namin na gisingin na daw ako para makauwi na kasi anong oras na raw po,” saad ng dalaga.

“Hanggang sa naiinis na sila sobra. Pinayagan nila, sabi, ‘Sige gisingin mo lang.’ Tapos ‘yun po du’n po ako nagising sa ginawa niya,” dagdag pa niya.

Ayon kay Joyce, hindi raw agad siya nakapag-sumbong sa mga kasamahan dahil sa takot.

Ngunit isinalaysay ng dalaga na lagi umano siyang binibiro ng suspek kahit isang buwan pa lang siya sa trabaho.

“Sinasabi niya lagi sa amin, ‘Bakit ang ganda mo,’ ganyan, ‘Paano kapag na-in-love ako?’ Akala ko po wala lang po ‘yun, biro-biro lang kasi may asawa’t anak po siya,” aniya pa.



Sa tulong ng barangay at pulisya, naaresto ang 24 anyos na suspek. Hindi muna pinangalanan ang suspek para protektahan ang pagkakakilanlan ng biktima.

Nakaharap sa barangay hall ang suspek at biktima at ang galit na galit ang tatay ni Joyce.

Aminado rin ang suspek sa krimen at sinabing, “Wala eh, kasalan ko talaga… iyon nga po sir, nagalaw.”

Desidido ang biktima at kanyang mga kaanak na magsampa ng reklamong rape.

“Sana ‘wag niyang gawin sa iba pang babae ang ganon kasi may asawa at anak po siya eh. Maawa po siya sa pamilya niya,” diin naman ni Joyce.

Sa ngayon, nakakulong na sa Cubao Police Station ang suspek.