Advertisers
Camp Vicente Lim, Laguna – Kinasuhan ng sexual harassment ng student trainee ang isang opisyal ng Philippine National Police sa Bacoor, Cavite.
Kinasuhan si Chief Master Seargent Romar Sinnung, 47 anyos, ng Bacoor Cavite police ng paglabas sa Republic Act 7877 o Anti-sexual Harassment Act of 1195 na isinampa sa Provincial Prosecutor’s office noong Disyembre 1.
Bukod sa criminal complaint, sinampahan din ng kasong administratibo si Sinnung sa pre-evaluation charge unit ng Philippine National Police.
Inalis si Sinnung sa kanyang puwesto at inutusang mag-ulat sa punong-himpilan ng pulisya ng Cavite.
Ayon kay Cavite police director Col. Christopher Olazo, idineklarang AWOL o absent without official leave ang akusado.
Nag-ugat ang mga kaso sa reklamong inihain noong Disyembre 1 ng 23 anyos na estudyante na sumasailalim sa pagsasanay sa istasyon ng pulisya.
Sinabi ng nagrereklamo na nangyari ang harassment noong Oktubre 11 at 13 na nasundan pa nitong Nobyembre 8 at 9 habang nagsasagawa ng training sa police station.
Sinabi niya na hinawakan ng opisyal ang kanyang likod, binti at suso.