Advertisers
MARIING nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa mga mamamayan sa pagbili ng mga sibuyas online.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, karamihang mga sibuyas na ibinebenta online ay mga smuggled.
Naniniwala kasi ang nasabing ahensiya na ang mga puting sibuyas na ibinebenta online ay ipinuslit lamang para makapasok sa bansa.
Nakatakda pa kasi silang maglabas ng import permits para matugunan ang nasabing kakulangan.
Mayroong presyong P1,650 ang isang sako ng puting sibuyas na nagtitimbang ng siyam na kilo o P180 per kilo.
Pinangangambahan nila ang nasabing mga smuggled na sibuyas ay mapanganib sa kalusugan ng sinumang kumunsumo nito.