Advertisers

Advertisers

House bill sa paglikha ng virology institute, OK na sa final reading

0 400

Advertisers

PUMASA na para sa final reading ang panukalang House Bill 6452 o “Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) Act”.

Pinuri ni Quezon Representative Keith Micah “Atty. Mike” D.L. Tan, isa sa principal na may akda ng batas ang pagkakaapruba para sa huling pagbasa ng panukalang batas na layuning mag-focus sa pagpapaunlad sa larangan ng virology science and technology applications sa mga halaman, hayup at tao. Ito ay dinisenyo bilang paghahanda ng bansa laban sa pandemya at public health emergencies.

Kapag ito ay naisabatas na, ang VIP ay magsisilbing pangunahing research and development institute at magtatatag ng partnership sa mga nangungunang siyentista, virology centers and institutes, at magsasagawa ng mga innovative and pioneering researches na magpapaunlad sa larangan ng virology sa bansa.



Ipinaliwanag ni Tan na isang baguhang mambabatas na ang nasabing batas ay nagtatampok sa katotohanang ang globalisasyon ang siyang defining term sa 21st century kung saan ang sinuman ay maaring humakbang sa kahit anong lugar at sa kahit na anong oras na may dala-dalang posibleng sakit, viruses, at bacteria .

Ang VIP, ay isa sa legislative priorities na binanggit sa State of the Nation Address (SONA) ng President Ferdinand Marcos, Jr., ito ay binigyang ng mandato na magsagawa ng polisiya, plano programa at proyekto para sa pagpapaunlad ng virology science and technology sa bansa at sa pagtataguyod ng scientific and technological activities sa parehong publiko at pribadong sektor. Tinitiyak din nito na ang mga resulta ng mga gawain dito ay maayos na nai-apply tungo sa mas mabilis na economic and social development.

“The creation of the VIP is intended to make the Philippines become globally-competitive in the field of science and technology, particularly in virology in terms detecting, identifying and responding to viruses that affect our people and resources”, sabi ni Tan.

Pinasalamatan ni Tan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ang liderato ng Mababang Kapulungan sa pagsuporta para sa mas mabilis na pagpasa ng panukalang batas para sa final reading.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">