Advertisers
Literal na inalat ang isang online shopper na si “Bads” ng Barangay Maunlad sa Puerto Princesa.
Umorder si Bads ng motor rain coat sa online seller (Auto Mobile) na nagkakahalaga ng P999.
Dumating daw nitong nakalipas na Linggo ang item nguni’t nitong umaga lamang ng Lunes niya binuksan na ang laman tinatayang kalahating kilo ng asin.
Paglilinaw ni Bads, pina-received niya lang sa kanilang bahay ang item at na-‘busy’ siya kaya hindi agad binuksan.
Matapos ang insidente, agad daw siyang nag-mensahe sa seller subali’t wala pa itong reply.