Advertisers

Advertisers

Senado silip ang mga nasayang na Covid-19 vaccines sa bansa

0 111

Advertisers

HANDA ang Senate Blue Ribbon Committee na magbukas ng sarili nitong imbestigasyon kaugnay sa napaulat na pagkasayang ng 44 million doses ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Francis Tolentino, nais din umano nilang silipin ang mga dokumento tungkol sa procurement ng mga bakuna.

Suportado rin nito ang pagsasagawa ng Commission on Audit (COA) ng sarili nitong imbestigasyon tungkol sa pagbili ng gobyerno ng mga COVID-19 vaccines.



Giit ni Tolentino, karapatan ng taumbayan na malaman kung nagamit ba ng tama ang pondo ng bayan sa pagbili ng mga bakuna.

Dapat aniyang ipaliwanag ng Department of Health (DOH) kung bakit nasayang at hindi nagamit ang 44 million doses ng COVID-19 vaccine, na katumbas ng 17 percent ng mga bakunang mayroon ang ating bansa.

Samantala, iginiit ng mambabatas na hindi sapat na rason ang mga Non-Disclosure Agreement (NDAs) na pinirmahan ng Pilipinas sa mga vaccine manufacturer para hindi ito ma-audit.

Karapatan rin aniyang malaman ng Kongreso kung paanong nagamit ang pondo para na rin sa paghahanda nila ng budget sa mga susunod na taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">