Advertisers
Patay ang isang tiyuhin at stepdad rin ng kanyang pamangkin nang pagsasaksakin dahil umano sa tsismis, sa bayan ng Enrique B. Magalona, Negros Occidental
Kinilala ang biktima na si Renante Tuting, 44 anyos; habang nadakip naman ang salarin na kinilalang si Lloyd Richard Tuting, 19 anyos, at kapwa residente sa Sitio Minisca, Brgy. Gahit, Enrique B. Magalona.
Sa report ng EB Magalona Municipal Police Station, 10:00 ng gabi naganap ang krimen sa loob ng bahay ng magtiyuhin sa naturang lugar.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, umuwing lasing ang biktima sa bahay at kinompronta nito ang salarin tungkol sa pinapakalat na tsismis ng kinakasama ni Richard.
Nagalit ang salarin at nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang batang Tuting at pinagsasaksak ang kanyang tiyuhin sa likod at dibdib.
Nagawa naman isugod sa ospital ang biktima subali’t idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.
Nadakip naman ang salarin ng mga rumespondeng pulis at ngayon at nahaharap sa kasong homicide.
Ayon sa pulisya, magkapatid ang biktima at ang namatay na ama ng salarinhanggang sa pinakasalan ni Renante ang ina ni Richard.
Nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek.