Advertisers
Patay ang isang taxi driver nang barilin sa Barangay Tenajeros, Malabon City.
Kinilala ang biktima na si Teodulo Remolano Jr., 57 anyos.
Ayon sa tindera na si Emelita Degracia, katabi niya ang biktima ng barilin ito na akala, may nagpaputok lang malapit sa kanya pero paglingon niya nakita niyang bumulagta na ang biktima.
Pero hindi niya nakita ang 2 salarin dahil may inaasikaso si Degracia sa tindahan.
Palakad na papalayo ang dalawang salarin ng makita niya ang mga ito.
Normal lang daw na umalis ang mga salarin na tila walang nangyari.
Mag-iisang oras na silang nagku-kwentuhan ng biktima bago ang insidente. Ang kanyang tindahan ang tambayan ng biktima habang naghihintay ito ng pasahero.
Matagal na silang magkakilala nito dahil sa kanya ito nagkakape.
Ayon sa kapatid ng biktima, wala pa silang matukoy kung sino ang may kagagawan sa pamamaril.
Pero noong nakaraang linggo may nakaaway itong kapitbahay sa barangay niya sa Catmon, Malabon.
Nabugbog pa ang biktima nang pasukin nito ang bahay ng nakaaway.
Inatake kasi sa puso ang ama ng kaaway nito pero agad namang nagkaayos sa barangay ang mga ito.
Isa ito sa tinitingnan ngayon ng PNP dahil ilang araw matapos ang insidente namatay ang inatake sa puso na ama ng nambugbog sa biktima.
Inimbitahan na ng PNP ang anak ng nakaaway ng biktima na isa ngayon sa mga itinuturing na person of interest.