Advertisers

Advertisers

8 PATAY, 13 GRABE SA SALPUKAN NG TRUCK!

0 204

Advertisers

NASAWI ang walo katao at 13 ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang sinasakyang truck sa isang cargo truck sa Barangay Agusan, C.M. Recto highway, Cagayan de Oro City nitong Lunes ng umaga.

Kinumpirma ni Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) director, Colonel Aaron Mandia, ang pagkasawi ng walong katao sa aksidente.

Sa ulat, pauwi na sa Tagoloan, Misamis Oriental ang walong nasawi na sakay ng truck na minamaneho ni Alvin Escabarte, 40, taga-Tagoloan, Misamis Oriental, nang sumalpok ito sa kasalubong na truck na minamaneho naman ni Julito Telen, 43, taga-P-12, Baloy Tablon, Cagayan de Oro City, sa nabanggit na lugar.



Dead on the spot si Escabarte, kasama ang pitong iba pa, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Nasugatan naman sa aksidente ang 13 iba pa na kaagad na isinugod sa ospital.

Nasa 20 ang sakay ng trak.

Ayon sa pulisya, ang trahedyang ito ang isa sa pinakamalala na aksidente sa rekord ng lungsod.

Sumuko naman ang driver ng cargo truck na si Talen, na nahaharap siya sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, at serious physical injuries.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">