Advertisers

Advertisers

Dating vice governor ng Batangas nagbaril sa sarili, patay

0 330

Advertisers

WALA nang buhay nang matagpuan ang dating vice governor ng Batangas na mayroon hawak na baril na nakaupo sa isang silya sa bahay nito sa Valle Verde, Pasig City.

Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si dating Senador ngayo’y Deputy House Speaker Ralph Recto.

Kinilala ang biktima na si Richard “Rocky” Recto y Gonzales, 59 anyos, ng 25 Beetle St., Valle Verde 6, Barangay Ugong, Pasig City.



Sa report, 6:00 ng gabi ng Lunes nang matagpuang walang buhay si Rickya na naka-upo sa isang “lazy boy chair” sa loob ng kuwarto nito sa 2nd floor ng kanyang bahay.

Nabatid na humingi ng tulong ang anak ni Ricky na si Riana Recto-Galang sa police station upang samamahan ang kanyang represtative na si Rosario Dela Cruz upang alamin ang sitwasyon ng kanya ama dahil hindi ito sumasagot sa kanilang mga tawag.

Nagtungo sa bahay sa pangunguna ni Corporal Cachuela at ilang elemento ng BSF sa Brgy. Ugong at security personnel ng Valle Verde 6 at sinamahan sina Dela Cruz at Raina, at sapilitan binuksan ang pintuan ng kuwarto ng master bedroom.

Sinalubong sila ng masansan na amoy mula sa kuwarto at nakita ang wala nang buhay na si Ricky na naka-upo sa lazy boy chair na may unan nakatakip sa kanyang dibdib at mayhawak na baril sa kanang kamay.

Sa report, nasa “advanced staged of decomposition” ang dating bise gobernador nang matagpuan ito.
Magugunita na inaresto si Recto ng mga otoridad noong July 2022 nang ireklamo ng kanyang ex-girlfriend ng kasong ‘Violence Against Women and Children.’ (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">