Advertisers
PINAYAGAN ng korte ng Taguig City na makapagpiyansa ang aktor na si Vhong Navarro matapos makitang hindi sapat ang mga ebidensiyang iprinisinta ng nag-akusang model na si Deniece Cornejo na ito’y ginahasa ng aktor.
Pinagpiyansa ni Taguig Regional Trial Court branch 69 Presiding Judge Loralie Cruz Datahan si Navarro ng P1-million cash para sa kanyang pansamantalang kalayaan nitong Martes, December 6.
“Taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this Court is not convinced at this point that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt,” saad ng judge sa kanyang 21-page ruling.
Base sa sinumpaang testimonya ni Cornejo sa korte, sinabi ng judge na ang aksyon ng model pagkatapos na siya umano ay ginahasa “is inconsistent with common experience and human nature” nang i-text niya si Navarro ng mga salitang “bad boy ka” pagkatapos ng kanilang pagtatalik, kungsaan iginigiit ng huli na siya’y pinuwersa.
Sinabi rin ni Cornejo na gusto niyang makita uli si Navarro, pero sinabi sa korte na gusto lamang niyang humingi ng tawad sa kanya ang aktor.
Makikita naman sa security footage na si Cornejo ay humahagikhik pagkatapos ng insidente sa loob ng elevator.
“The foregoing statements of the complainant are, to the mind of this Court, inconsistent with her claim of trauma, and outside the reasonable expectations for someone who just underwent a painful ordeal,” pansin ng korte, sinabing si Navarro ay walang armas nang pumasok sa condo unit ni Cornejo nang mangyari ang ‘Rape’ noong Enero 2014.