Advertisers

Advertisers

PBBM ‘wag ninyong galawin ang pera ng pensioners para lang sa Maharlika Fund

0 176

Advertisers

SABI ng mga mambabatas na nagsusulong sa Maharlika Wealth Fund (Sovereign Wealth Fund), marami nang bansa ang gumawa nito.

Pero hindi binanggit ng mga mambabatas na ang ilang bansang gumawa nito ay nabangkarote at nakulong habambuhay ang Prime Minister o Presidente tulad sa Malaysia at Bangladesh.

Giit ng minsa’y nakulong sa Plunder na si former Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, isa sa mga utak sa pagsusulong sa panukala ng magkakamag-anak na sina Ilocos Norte 1st District Representative “Sandro” Araneta-Marcos, kanyang tiyuhin House Speaker Martin Romualdez, misis ni Martin na si Tingog Partylist Rep. Yedda Marie, noong 2016 ay isinulong na ito ni noo’y Senador Bam Aquino pero wala raw umangal. “Bakit ngayon maraming komokontra?”, ani GMA.



Sagot ni Bam, noong ginawa niya ang Sovereign Wealth Fund ay maganda ang ekonomiya. Hindi tulad ngayon na bagsak na bagsak at baon na baon sa utang ang Pilipinas.

Paliwanag pa ni Bam, ang pinanday niyang SWF noon ay hindi pera ng SSS at GSIS pensioners ang ipinondo kundi excess fund ng mga ahensiya ng pamahalaan, na ginamit para sa mga programa ng gobyerno.

Giit naman ng retired Senior Associate Justice ng Supreme Court na si Antonio Carpio, labag sa Saligangbatas ang galawin ang pera ng publiko para sa SWF.

Maging ang “Super Ate” ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na si Senadora Imee ay hindi komportable sa isinusulong na panukalang ito ng kanyang pinsan at pamangkin.

Pero pakiramdam ng netizens at mga kritiko ng administrasyon, nagkukunwari lang itong si Imee na kontra sa SWF dahil nga mismong si PBBM ang may gusto sa pagbuo ng sovereign fund.



Well, saganang akin…sa tingin ko ay hindi makikinabang ang mahihirap nating kababayan sa “scam fund” na ito. Pero wala naman tayong magagawa kung ipapasa ito ng administrasyon. “Unity” sila eh. Magagawa nilang ipasa ang batas na kursunada nila. Ang sa atin nalang ay huwag na nilang galawin ang pinaghirapang pera ng pensioners. Dahil kapag nabangkarote ag SWF, maglalaho ang buwanang pension ng SSS at GSIS. Yari ang pang-maintenance sa gamot ng mga senior! Mismo!

Bakit hindi nalang ang multi-million pork barrel fund nilang mga kongresista at senador ang gawing seed money dyan sa SWF?

Say nyo, mga pare’t mare?

***

Todo drama si suspended BuCor Director, General Gerald Bantag, sa kanyang pagdalo sa preliminary investigation sa Percy Lapid-Jun Villamor killing sa Department of Justice last Monday afternoon.

May pasakay-sakay pa sa jeepney si Bantag habang kinukuhanan ng picture ng kanyang mga badigard. Gusto yata nilang palabasin na mahirap lang si Bantag, na walang katotohanan ang sinasabi ni Percy Lapid na maraming luxury cars at may mansion pa ang dating pordoy na ex=BuCor Chief.