Advertisers

Advertisers

Jeric nagbuyangyang ng matambok na puwet sa pelikula

0 306

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

GAGANAPIN ang pinakaunang Gawad Banyuhay Awards (Gloria Sevilla Actor and Actress awards) bilang pagpupugay sa yumaong Queen Of Visayan Movies na si Gloria Sevilla.
Kasabay nito ang paglo-launch ng Dr. Carl E. Balita Foundation Inc. (CEBFI) kasabay ng ika-labinglimang anniversary ng Carl Balita Review Center o CBRC na gaganapin sa December 12, 2022, 6 pm sa Maynila Ballroom ng The Manila Hotel.
Tinanong namin si Suzette Ranillo kung ano pa ang mga alaala niya sa kanyang inang namayapa.
“I cherish all the wonderful memories with her… all the learnings from her as a mom, friend, mentor, … from knowing your craft and having the discipline and professionalism… to staying strong and resilient in times of complexities and changes.. staying humble, being respected and respectful… being compassionate especially to aging parents… love for God, family, friends, self… “Mom wasn’t perfect like any of us but I love her for what she was and I so thank God for lending her to us…
“Mom has left a legacy to bolster not just the Visayan movies and talents but the whole regional filmmaking. And I plan to continue it. But I can’t do it alone. I hope to get support not just from the entertainment industry but also some sort of a subsidy from the government,” mahabang pahayag ni Suzette.
***
WALANG kiyeme, walang patumpik-tumpik, walang pag-iinarte na ibinuyangyang ni Jeric Gonzales ang kanyang maputi, makinis at matambok na puwet sa big screen!
Walang duda, isa sa mga pag-uusapan ang eksena na bubulaga sa mga mata ng movie goers ang wetpaks ni Jeric sa pelikulang Broken Blooms!
Isa sa mga highlights ng movie ang isang eksena na ibinaba ng isang bading ang pantalon ni Jeric upang hadahin o i-blowjob si Jeric (o Romy na kanyang karakter sa Broken Blooms) kaya’t kitang kita ang puwet niya.
Unang beses itong ginawa ng Sparkle male star at hindi na raw siya nag-inarte na gawin ang mapangahas na eksena.
“Hindi na po, kasi nandun na po ako e, ginawa ko na po,” pakli ni Jeric.
Malayung-malayo ang butt exposure ni Jeric sa Broken Blooms sa magpa-cute at drama scenes niya sa hit GMA series na Start-Up PH nila nina Alden Richards, Bea Alonzo at Yasmien Kurdi.
Samantala, sa mga nais masilayan ang masarap na puwet ni Jeric, ang Broken Blooms ay ipalalabas sa mga sinehan ngayong December 14 na tampok din sina Therese Malvar, Royce Cabrera, Norman “Boobay” Balbuena, Lou Veloso, Mimi Juareza at si Jaclyn Jose sa direksyon ni Louie Ignacio
Mula ito sa BenTria Productions ni Engineer Benjamin Austria, with Dennis Evangelista as line producer.