Advertisers

Advertisers

Celebrities at iba pa, nag-concert vs. Climate Change; Maghahabla ng intl. class suit vs. polluter countries

0 154

Advertisers

TAGUMPAY ang idinaos na musical & cultural event na inorganisa ni Dr. Michael Aragon na chairman ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) na pinamagatang Celebrities ATBP laban sa Climate Change nitong nakalipas na Bonifacio Day, Nov. 30, sa kahabaan ng Scout Borromeo, EDSA, Quezon City.
Nag-perform ang ilang celebrities tulad nina beauty queen-actress Ali Forbes, Clean Air Singing Ambassadress Cess Cruz, star Chase Romero, singer-actor Lance Raymundo, at iba pa.
Nagkaroon din ng Climate Dance contest para sa mga Cosplayers na nagkamit ng mga premyo ang mga nagsipagwagi.
Ang adhikain ng nasabing palabas ay hindi lang para iapela sa mga polluter na i-industrialize ang mga bansa na bawasan ang kanilang carbon footprints kundi para tugunang pampinansyal ang pinaka-vulnerable na bansa gaya ng Pilipinas laban sa mapaminsalang epekto ng climate change na ngayon ay worldwide emergency na.
“We are now in the process of filing a trillion-dollar class suit versus polluter countries across the globe and to hold them responsible for all the effects of climate change to the Philippines,” pahayag ni CAPMI president Dr. Leo Olarte.
Idinagdag pa ni Olarte na ang international class suit ay isasampa sa international tribunal laban sa matataas na industrialized carbon polluter na bansa gaya ng United States, China, India, at iba pa. Mananagot din sila sa nakamamatay na epekto ng kanilang carbon emissions sa ating bansa at sa ating planeta.
Sinabi pa ng CAPMI president na hihilingin anya nila sa international tribunal na ipagkaloob sa gobyerno ng Pinas ang halaga na magagamit sa climate mitigation, adaptation at resiliency programs.
(BKC)