Advertisers
Advertisers
Advertisers
MASYADONG magulo ang ginanap na unang BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) election.
Base sa mga ulat, nasa pito ang mga nasawi at marami ang nasugatan sa mga pamamaril sa lalawigan ng Cotabato.
Kung ganito manlang kagulo ang halalan sa BARMM, mabuti pang ‘wag nang magkaroon ng eleksyon pa. Sumunod nalang sa mga regular na halalan. Bahagi parin naman ng Pilipinas ang BARMM.
Sa mga nangyaring patayan nitong BARMM Election tiyak hindi na matitigil ang parayan. Oo! Siguradong gaganti at gaganti ang mga kaanak, kamag-anak at kaalyado ng mga biktima. Rido ito!
Magiging sakit ng ulo ng PNP at AFP itong BARMM. Pramis!
***
Si dating House Speaker Martin Romualdez ay mayroon major depression at anxiety pero wala namang palatandaan para siya’y magpakamatay, sabi ng director ng PGH na si Dr. Gerardo Legaspi.
Talagang made-depress at mababalisa ka ‘pag nakulong lalo ng habambuhay. Dahil hindi mo na matitikman ang buhay-hari, at ‘di na mahahawakan ang bilyones mong… ewan kung saan mo kinuha nung House Speaker ka!
Feeling kasi niya noon ay untouchable siya dahil pinsan nga naman niya ang presidente. Pero iba pala si PBBM. Walang kama-kamag-anak at walang kai-kaibigan. Managot ka sa batas kung nagnakaw ka sa kaban ng publiko. That’s it!
Sabi pa ni Dr. Legaspi, hindi kailangan ni Romualdez ng impatient psychiatric intervention, pero nirekomenda ang patuloy na pag-followup at monetoring sa kanyang mood at suicide risk.
For me, malabong magpakamatay si Romualdez. Thick face yan. Hehehe…
***
Kapal ng mukha nitong si Congressman “Pulong” Duterte para igiit na sundin ang Constitution. Eh sila itong numero unong lumalabag sa Saligang Batas. Nakalimutan na ba niya ang mga paglabag nilang ginawa partikular ng kanyang ama na dating pangulo na niyurakan ang due process at karapatang mabuhay.
May isyu pang naging smuggler itong si Pulong nung pangulo ang kanyang erpat na si Digong.
Isinapubliko pa nga noon ni Digong na ang kanyang anak (Pulong) ay tambay sa pier. See!!!
Isinasangkot din si Pulong sa kilo-kilong shabu na nabuking sa magnetic lifters sa MICT ba? o POM? nung presidente si Digong.
Walang “k” itong si Pulong magsalita tungkol sa batas. Dahil numero uno siyang violator. Period!
***
Sinasabi ngayon ni Vice President Sara Duterte na si Pangulong Bongbong Marcos ay numero unong magnanakaw sa mundo. Alam niya ang history ng Marcos. Alam niya ang ill-gotten wealth. Pero pumayag siya maging running mate ni BBM noong 2022 election. Kung talagang concerned siya sa korapsyonat pagnanakaw sa public funds, noon palang dapat ay ‘di siya pumayag maka-tandem ni Marcos.
Sa totoo lang, walang paki si Sara sa korapsyon ng Marcos noon. Kaya bakit tayo maniniwala na concerned siya sa korapsyon ngayon.
Ang totoo gusto n’ya patalsikin si PBBM para siya uupo.