Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Sa isang panayam, natanong ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa kung bakit nagkli-klik pa rin ang kanilang pagsasama after 25 years of marriage.
Ani Dingdong, never daw silang nagkakasawaan ng misis.
Sinisigurado rin daw nilang nag-aalab pa rin ang kanilang romansa ng kabiyak.
Naniniwala rin ang OPM balladeer na ang mga mister ay dapat na mulat sa kanilang soft side at sensitibo sa mga pangangailangan ng kanilang mga katuwang sa buhay.
Sey pa niya, hindi rin daw dapat hinahayaang manaig ang ego sa isang relasyon.
“Husbands should be in touch with their ‘soft side’ instead of letting their ego overrule them so they will be more emotionally attuned to their wife.”aniya.
Natanong din ang OPM Icon kung ano ang nakapagpapasaya sa wifey sa kanilang relasyon.
Puring-puri naman ni Dingdong ang kanyang misis.
“Jessa has never been a material girl. Sweet gestures are what makes her heart melt,” ani Dingdong.
Tulad ng sinumang mag-asawa, hindi rin niya ikinaila na nagkakaroon din sila ng mga di pagkakaunawaan.
Gayunpaman, hindi raw nila hinahayaang makaapekto ito sa kanilang pagsasama.
Open din daw lagi ang linya ng kanilang komunikasyon.
Nagbigay din siya ng payo kung paano mapapanatili ang matiwasay na pagsasama ng sinumang couple.
“As a husband, don’t let pride or ego take over. Be sensitive to your wife’s emotions, understand what makes her happy, and show your love through meaningful gestures,” paliwanag niya.
Sobrang happy naman ni Jessa sa naging renewal of vows nila ni Dingdong noong Marso na noong una ay isinikreto pa sa kanya.
“The surprise that Dingdong pulled off on our silver anniversary made me feel like I am the most beautiful girl in the world.”hirit niya.“Ang haba-haba ng hair ko nung araw na iyon,”pahabol niya.
Sina Jessa at Dingdong ay nagpabilib sa kanilang concert na “Sa Aking Puso: Silver Anniversary Edition” na isang pagdiriwang ng kanilang 25th wedding anniversary na ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City noong Setyembre 13.
Naging panauhin sa soldout concert sina Pops Fernandez, Randy Santiago, K Brosas,Ethel Booba at Dylan Menor.
Tampok din sa show ang espesyal na partisipasyon ng kanilang anak na si Jayda Avanzado.