Advertisers

Advertisers

‘Deed of sale’ hinahanap sa checkpoint ng Taguig PNP

0 31

Advertisers

IGINIIT ng Taguig City Police Station na dapat makapagpakita ng ‘deed of sale’ ang mga motoristang gumagamit ng second-owner vehicles kapag sinita sa police checkpoints upang ma-patunayan ang bentahan at paglipat ng pagmamay-ari ng sasakyan.
Inilabas ng Taguig Police ang paglilinaw matapos kuwestiyunin ng ilang netizens kung kinakailangan bang dalhin ang naturang dokumento kapag gumagamit ng sasak-yang hindi pa nakapangalan sa kasalukuyang may-ari.
Ayon kay Taguig Police chief Colonel Julius Anoñuevo, bahagi ng tungkulin ng mga pulis ang pagberipika sa mga dokumento ng sasakyan sa checkpoints alinsunod aniya sa umiiral na batas at mga polisiya ng Philippine National Police.
“Ipinapaalala ng Taguig City Police Station na ang pagsasagawa ng police checkpoint at beripikasyon ng mga dokumento ng sasakyan ay bahagi ng tungkulin ng ating mga kapulisan alinsunod sa umiiral na batas at mga polisiya ng Philippine National Police,” ani Anoñuevo.
Paliwanag niya, nagsisilbing patunay ng bentahan at transfer of ownership ang deed of sale para sa second-owner vehicles.
Ayon sa pulisya, dapat itong maipakita kasama ng official receipt (OR) at certificate of registration (CR) upang makatulong sa pagberipika sa transaksyon at pagmamay-ari ng sasakyan.
Para naman sa mga guma-gamit ng hiniram na motorsiklo, ipinayo ng Taguig police na magdala ng authorization letter o ibang patunay na pinahintulutan sila ng registered owner na gamitin ang sasakyan.