Advertisers

Advertisers

PROTEKSYON SA MGA MAGSASAKA, MANGGAGAWA AT PRESYO NG PAGKAIN, PINASISIGURO NG PALASYO

0 21

Advertisers

Tiniyak ng pamahalaan na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa at patuloy nitong binabantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ang bigas.

Ayon sa Malakanyang, kasama sa paghahanda sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalawak ng solar-powered irrigation systems sa pakikipagtulungan ng National Irrigation Administration (NIA) upang matulungan ang mga magsasaka na mapanatili ang produksyon kahit kulang ang ulan.

Ipinag-utos din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas mabilis at simple ang proseso ng pagbibigay ng fuel subsidies sa mga magsasaka at mangingisda upang agad nilang mapakinabangan ang tulong.



Para naman sa mga manggagawa at pamilyang maaaring mawalan ng pagkakakitaan dahil sa El Niño, nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng pansamantalang trabaho at iba pang tulong.

Mayroon ding Emergency Cash Transfer program ang DSWD na maaaring magbigay ng direktang ayuda sa mga indibidwal at pamilyang maaapektuhan ng kalamidad at iba pang krisis.



Sinasabing kasama sa mga paghahanda ng pamahalaan ang pagprotekta sa mga mag-aaral, manggagawa at iba pang mamamayan laban sa matinding init. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">