Advertisers

Advertisers

Bilang ng mga walang trabaho nabawasan – PSA

0 260

Advertisers

BUMALIK na sa pre-pandemic level ang bilang ng walang trabaho sa bansa.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), nitong Oktubre ay umabot na sa 4.5 percent ang bilang ng mga walang trabah, ito na ang pinakamababang level sa loob ng 17 taon.

Mas mababa pa ito ng limang porsyento noong nakaraang Setyembre sa taong ding ito at mas malayong mababa noong Oktubre 2021 na mayroon lamang 7.4 percent.



Sinabi naman ni National Statistician Dennis Mapa na huling nakamit ng bansa ito ay noong Oktubre 2019 na mayroong 4.5 percent ang unemployment rate.

Katumbas ito ng 2.24 milyon na Filipinos ang walang trabaho mula sa dating 2.5 milyon noong Setyembre at 3.5 milyon noong Oktubre 2021.

Tumaas din ang employment rate sa 95.5 percent noong Oktubre mula sa 95 percent noong nakaraang buwan at 92.6 percent noong Oktubre 2021.

Base naman sa National Economic and Development Authority (NEDA) na karamihan sa pagtaas ay naitala mula sa services at industry sectors.

Isa sa nakitang dahilan ng pagtaas ng employment rate sa bansa ay ang tuluyang pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">