Advertisers
NANINIWALA si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na malaki ang matutulong ng naturang batas sa kampanya ng bansa kontra online sexual abuse and child exploitation.
Kaya naman pinamamadali ni Sec. Remulla sa Kongreso at Senado ang pagkakaroon ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ng SIM Card Registration Law.
Paliwanag ng kalihim, patuloy pa rin kasi ang pananamantala ng mga nasa likod ng online sexual abuse sa paggamit ng mga prepaid card kaya hindi matukoy ng awtoridad ang mga suspek.
Sa oras aniya na maipatupad ang SIM Card Registration Law ay magi-ging madali nang makilala kung sino ang nasa likod ng mga malalaswang gawain.
Nag-ugat ang pahayag ni Remulla matapos ang pakikipag-usap nito kay UN Special Rapporteur on the Sale and Sexual Exploitation of Children Mama Fatima Singhateh.