Advertisers
PATULOY ang pamamayagpag ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Kinumpirma ito ng Western Command of the Armed Forces of the Philippines (AFP) nang may namataang mga barko ng China sa WPS.
Ang insidente ay naganap matapos ang mahigit tatlong linggo ng kunin ng Chinese coast guard ang mga debris ng space rockets sa karagatan na sakop ng Pilipinas.
Ayon kay Vice Admiral Alberto Carlos na nananatili pa rin sa lugar ang nasabing barko ng China.
Nakita pa nila ang ilang barko ng China sa Sabina Shoal nitong nakaraang buwan lamang.
Ang Sabina Shoal o Escoda ay matatagpuan sa Exclusive Economic Zone ng bansa.
Nasa 20 mga barko ng China ang nasa lugar at sila ay nangingisda doon.
Tinangka pa umano ng mga Chinese vessels na makalapit sa Palawan subalit pinagsabihan na nila ang mga ito.
Naganap ang pagdami ng mga barko ng China habang nagaganap sa bansa ang 12th ASEAN Maritime Forum.