Advertisers

Advertisers

MMDA enforcer huli sa kotong sa QC

0 224

Advertisers

NABISTO ng mga pulis ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nangongotong sa mga driver ng truck sa Quezon City.

Ayon sa ulat, hindi pa naka-duty ang traffic enforcer na si Raul Lapore nang mangyari ang pangongotong. Bukod dito, wala rin ‘mission order’ si Lapore sa Commonwealth Avenue.

“Tinanong niya po ako bakit wala raw ako sa truck lane. Nagpaliwanag ako na mababa ang kahoy sa center island, abot ‘yung karga ko,” ayon kay Crislie Rife, ang driver ng truck na sinita ni Lapore.



Para hindi matiketan, nakiusap daw si Rife na “maglagay” nalang.

“Binigyan ko po ng P300,” pahayag ni Rife.

Ayon pa sa driver, tinanggap ni Lapore ang pera.

Ayon naman sa pulisya, bago pa ang insidente ay nakatanggap na sila ng reklamo mula sa isang truck driver na nakotongan. Ito raw ang dahilan kaya inikutan nila ang lugar.

“Natiyempuhan siya na pinapara niya ‘yung isang truck na naman,” ani Lieutenant Anthony Dacquel, hepe ng criminal investigation section.



Nang dalhin sa police station si Lapore, napansin ng mga otoridad na may takip na bubblegum ang body number ng gamit niyang motorsiklo.

“Diskarte ‘yan para hindi sila matandaan. If even na magreklamo ‘yung biktima nila, hindi agad sila mapi-pinpoint,” sabi ni Dacquel.

Dalawampu’t limang taon na raw na traffic enforcer si Lapore. Bagama’t 5:00 ng madaling araw pa ang duty niya, inagahan daw niya ang biyahe dahil dadaan pa siya sa ospital kung saan naka-confine ang anak nito.

Itinanggi rin ni Lapore na nangotong siya bagama’t inamin niyang sinita niya ang truck driver.

Mahaharap si Lapore sa reklamong ‘robbery extortion’.