Advertisers

Advertisers

P5m alahas, cellphone nilimas sa mall

0 174

Advertisers

NILIMAS ng mga magnanakaw ang tatlong tindahan sa isang mall, tinangay ang higit na P5 milyong halaga ng mga alahas at cellphone sa bayan ng Balasan, Iloilo nitong Martes.

Natuklasan ang panloloob sa tatlong shop sa Gaisano Mall sa Barangay Mamhut nang buksan ng mga empleyado ang establisimyento 8:00 ng umaga.

Ayon kay Balasan Police Station chief, Lieutenant Alexander Lauron, bukod sa higit P5 milyong ninakaw na mga alahas, abot sa P292,000 halaga ng cellphone ang tinangay ng mga magnanakaw sa isang tindahan, at P67,000 pa sa katabi nitong puwesto.



Lumitaw sa imbestigasyon na sinira ng mga magnanakaw ang mga cyclone wire sa likod ng mall at winasak ang kandado sa pintong bakal para makapasok sa establisimyento.

Iimbitahan ng pulisya ang tatlong security guard na naka-duty sa mall noong oras na mangyari ang nakawan. Inaalam narin ng mga imbestigador kung may mga CCTV camera sa establisimyento para makatulong sa kanilang pagsisiyasat.