Advertisers

Advertisers

Paslit pinagkaroling ng construction worker para gahasahin

0 140

Advertisers

NAGKA-TRAUMA ang 10-anyos na babae nang piliting papasukin ng isang lasing na trabahador sa kanyang inuupahang bahay kapalit ng pera sa bayan ng Balagtas.

Kinilala ang salarin na si Edel Floro, 54 anyos, construction worker sa PNR site, tubong San Miguel; habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Deana”, Grade 4, kapwa residente ng Brgy. Borol 1st.

Napag-alamang nangyari ang insidente Miyerkules ng hapon, Disyembre 7.



Ayon sa ina ng biktima, pilit na inaaya ng lasing na si Floro ang paslit sa kanyang bahay kapalit ng pera at sumusenyas na huwag maingay.

Lingid sa kaalaman ni Floro, isang kaanak ang nakabantay sa bata kaya kinompronta siya hanggang hindi natuloy ang binabalak nito.

Sinabi naman ni Floro na pinapakanta lamang niya ng pamasko ang bata at hindi para gawan ng masama.

Kalaunan, humingi rin ng pasensiya si Floro sa pamilya ng biktima sa harap ng mga opisyal ng barangay, pumayag na sisantihin ng Foreman nila at nangakong hindi na kailanman tutuntong sa lugar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">