Advertisers
NAGPARAMDAM si dating Vice President Leni Robredo na muling kakasa sa presidential race sa 2028.
“When there is a call for you to serve… you answer the call,” tugon niya nang matanong kung may plano pa siyang tumakbo sa mataas na posisyon sa isang forum sa Asia Society sa New York nitong Disyembre 5.
Aniya, marami siyang leksyong natutunan sa ilang taon niyang pagsisilbi bilang isang public servant.
Dagdag pa niya, hindi kasi lahat ay nabibigyan ng pribilehiyong maupo sa isang posisyon upang makagawa ng pagbabago.
Sa kabila rin aniya ng mga pagsubok na kanyang naranasan ay wala siyang pinagsisisihan.
“I hate saying I’m not running anymore because I said that so many times already. And I ate my words. Even if I said would not run for the vice presidency so many times, I ran. And then when I was vice president, I said it would not run for the presidency, and yet I did. So, I wouldn’t anymore.”
Si Robredo, isang abogado, ay abala ngayon sa pagdalo sa mga imbitasyon para sa forum ng iba’t ibang grupo sa iba’t ibang bansa.