Advertisers
NATIMBOG ng Anti-cybercrime operatives ng Philippine National Police (PNP) ang 83 katao na empleyado ng illegal online lending agency sa isang raid sa Sampaloc, Manila.
Ayon kay Police Brigadier General Joel Doria, direktor ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG), ang mga naaresto ang nagbabanta sa kanilang mga kliyente na hindi nakakapagbayad ng utang sa tamang oras.
“They were caught in the act of sending threatening messages to customers while some where unlawfully accessing the clients’ personal information which is posted online with libelous remarks,” ani Doria.
Nag-ugat ang operasyon sa tambak na reklamong natanggap nila kungsaan nagbabanta at namamahiya pa ang mga ito sa kanilang mga kliyente.
Ani Doria, agad silang nagkasa ng operasyon makaraang magkaroon sila ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) mula sa Korte upang maghanap ng iba’t ibang ebidensya, kasama ang digital evidence sa naturang loan shark company.
Modus ng naturang lending agency na hikayatin ang mga tao na mangutang sa kanila dahil sa mabilis na proseso nito, ngunit sa oras na hindi makabayad ang kliyente sa tamang oras ay pagbabantaan na nila ito at ipapahiya sa ibang kaibigan at kamag-anak sa social media.
Ipinag-utos na ni Doria sa kanyang mga tauhan na paigtingin pa ang operasyon upang masakote ang iba pang kahalintulad na lending agency.