Advertisers

Advertisers

P17m shabu, libu-libong vape cartridge na naglalaman ng liquid marijuana nasabat sa Pasay

0 143

Advertisers

NASABAT ang aabot sa P17 million halaga ng shabu at libu-libong halaga ng vape cartridges na naglalaman ng liquid marijuana mula sa anim na abandonadong parcels sa Pasay city.

Isinagawa ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang naturang operasyon sa post office sa may Domestic road sa dalawang bodega sa Andrews Avenue.

Nadiskubre ang iligal na droga mula sa mga package na idineklara bilang kick shield para sa taekwondo, kick shield thick foam rubber at tamarind candy.



Dalawang parcels ang ipapadala sana sa New Zealand, 4 parcels galing ng Mexico, at 3 parcels galing sa Amerika.

Samantala, natuklasan din ang liquid marijuana mula sa parcels na idineklara bilang multivitamins, beauty lip balms at herbal tea na isinilid sa 45 piraso ng vape cartridges.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad sa nadiskubreng mga kontrabando.