Advertisers

Advertisers

P1m ng businesswoman naglaho sa online banking

0 127

Advertisers

NAGPASAKLOLO ang isang businesswoman sa National Bureau of Investigation (NBI) nang maglaho na parang bula ang P1 milyon sa kanyang account kahit hindi siya gumagamit ng online banking.

Ayon sa depositor na si Flordelina Chan, bago niya natuklasan ang pagkawala ng pera niya sa kanyang account ay ilang beses siyang nakatanggap ng text message para sa one-time password (OTP) noong Oktubre 26 at 27.

Gayunman, dinedma lang niya ang mga ito dahil hindi siya gumagamit ng online banking sa kanyang mga transaksyon.



Tumawag siya sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) sa sangay nito sa D. Tuazon nang makatanggap siya ng babala na may kahina-hinalang transaksyon sa kanyang account.

Gayunman, sinulatan siya ng bangko na hindi nito maibabalik ang nawala niyang pera dahil sa OTP at kompromiso na labas sa kanilang sistema.

Dahil dito, dumulog si Chan sa tanggapan ng NBI na nakatakdang makipag-ugnayan sa hindi tinukoy na bangko para sa gagawin nilang imbestigasyon.

Samantala, ipinauubaya ng nasabing bangko ang usapin sa kanilang headquarters habang kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na natanggap nila ang reklamo ni Chan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">