Advertisers
Hustisya pa rin ang isinisigaw ng pamilya ng 23 anyos na binata na namatay nang pagsasaksakin ng umano’y lasing na lalaki sa Poblacion, Taytay Palawan.
Kinilala ang biktima na si si Bryan Bernabe; at ang salarin kinilalang si Stephen Abello Ignacio, 35 anyos.
Nangyari ang pananaksak noong ika- 4 ng Disyembre 2022 sa Sitio Montivesta Poblacion 6:00 ng hapon.
Ayon kay Waren Bernabe, nakababatang kapatid ng biktima na sakay sila ng motorsiklo noong araw na iyon at bibili sana ng niyog sa tindahan nang makita nila ang pagiwang- giwang umano si Abello.
Binusinahan daw nila ni Abello para umalis subali’t sinundan sila nito sa tindahan at doon sila kinompronta sa kanilang pagbusina bago sila sinuntok at pinagsasaksak.
Nakaiwas umano si Waren Bernabe subali’t ang kanyang kuya ang nagtamo ng anim na saksak sa dibdib at likod.
Sinikap pa raw nitong maisalba ang sariling buhay nang sumakay sa tricycle pero dahil sa malubhang tama sa dibdib hindi na ito umabot sa pagamutan.
Noong araw na iyon nahuli rin ang akusado at nakakulong na.