Advertisers

Advertisers

Ex-DPWH RD, 12 pa kulong sa Graft

0 150

Advertisers

MAKUKULONG ng hanggang 10 taon ang isang dating regional director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Central Visayas at 12 iba pa dahil sa maanomalyang proyektong may kaugnayan sa pagiging punong-abala ng Cebu sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2007.

Sa desisyon ng 7th Division ng Sandiganbayan, hinatulan ng kulong sina dating regional director Robert Lala, assistant regional director Marlina Alvizo, maintenance division chief Pureza Fernandez, at Bids and Awards Committee technical working group members Agustinito Hermoso, Luis Galang, Cresencio Bagolor, Ayaon Manggis, Marilyn Ojeda at Teresa Bernido.

Hinatulan ding mabilanggo sina dating Lapu-Lapu City mayor Arturo Radaza, City engineer Julito Cuizon, Assistant City engineer Rogelio Veloso, at Isabelo Braza ng Fabmik Construction and Equipment Supply Co. Incorporated.



Sa rekord ng kaso, nakuha ng Fabmik ang kontratang nagkakahalaga ng P83.95 milyon para sa proyektong pagsusuplay at pagkakabit ng street lighting facilities sa Lapu-Lapu City.

Noong 2012, tinanggal ang nasa 677 lamp posts matapos ituring ng Cebu City government na “eyesore” at simbolo ng korapsyon.

Nakatanggap din ng reklamo ang Ombudsman na nagsasabing overpriced ang proyekto kaya naglabas ito ng cease and desist order na nag-uutos sa Department of Budget and Management at sa DPWH na huwag nang maglabas ng pondo.

Taon 2008, napatunayan ng anti-graft agency na overpriced ang mga lamp posts at iba pang lighting facilities nang ikumpara sa commercial invoices ng Bureau of Customs ang halaga na nakapaloob sa Program of Works and Estimates ng proyekto.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">