Advertisers

Advertisers

GRADE 12 STUDENT NI-RAPE, KINATAY PA NG MANLILIGAW!

0 411

Advertisers

LUWA ang bituka nang matagpuan ang bangkay ng 19-anyos na dalaga nang gahasain at patayin ng manliligaw sa Cainta, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Christine Avila, Grade-12 student sa Arellano University sa Pasig City at residente sa Taytay, Rizal.

Pinaghahanap na ng otorida ang salarin na kinilalang si Khalid Sarip, tindero, nanirahan sa Taytay.



Sa report ng Cainta Municipal Police Station, 7:00 ng umga nang maganap ang krimen sa apartment na inuupahan ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na bago ang krimen ay nagtungo ang biktima sa kanyang kaibigan sa Cainta at dumating rin ang salarin.

Kuwento ng mga kapitbahay, nakita nila ang isang babae at lalaki na lumabas ng bahay hanggang sa narinig na lamang nila na umiiyak ang biktima at sinabing huwag siyang papatayin habang ginagahasa.

Nakitang lumabas ng bahay ang lalaki na puro dugo ang kamay at hawak ang kutsilyo saka mabilis na tumakbo patakas.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa lugar, nakita ang tadtad ng saksak na katawan ng biktima, luwa ang bituka at laglag ang ipin nito.



Nahaharap sa kasong rape at murder si Sarip.