Advertisers

Advertisers

150 BATANG DUKHA, TUMANGGAP NG ‘PAMASKONG HANDOG’ NG SPD

0 193

Advertisers

BILANG isang pamilya sa pag-ibig ng Diyos, binigyan ng panahon na pasayahin ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) ang 150 batang dukha o nagmula sa ‘poorest of the poor’ nang magsagawa ito ng Pamaskong Handog 2022 Alay sa mga Kabataan Year 1 na ginanap sa SPD Grandstand, Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

Pinangunahan nina PBGen. Kirby John Brion Kraft, District Director ng SPD, kasama sina PCol Aligre Martinez , DDDA, at PLTCol. Noel Calapatia,SDS, ang aktibidad na isinagawa ng District Community Affairs and Development Division (DCADD) sa pamumuno ni PLTCol. Jenny DC Tecson, AC DCADD kasama ang CAS ng mga istasyon ng MaTaPatPaMulaPa, mga opisyal ng KKDAT, kani-kanilang Barangay at suportado ng mga stakeholder ng SPD.

Nabatid kay Tecson na may kabuuang150 bata na nagmula sa pinakamahihirap na komunidad ang tumanggap ng Pamaskong Handog kabilang ang mga food packs ( manok na may kanin, spaghetti,burger,pie) juices,sari-saring laruan,loot bags ng sari-saring goodies, sapatos,tsinelas,facemask at mga gamit sa paaralan.



Ang mobile kusina ay nakatayo sa tabi ng grandstand at namahagi ng masustansyang lugar.

Mas lalong naaliw at umapaw ang kasiyahan ng mga bata nang bumulaga sa kanila ang mga mascot, magic show,parlor games at Christmas themed mobile cars.

Ipinahayag naman ni Kraft sa kanyang mensahe ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong nasa likod ng tagumpay ng aktibidad gayundin sa mga stakeholder na patuloy na sumusuporta sa kanila. Hinikayat din ng butihing opisyal ang lahat ng tauhan ng SPD na patuloy na magsagawa ng kabaitan at pagiging bukas-palad lalo na sa mga batang kapus-palad kung saan ang panahon ng Pasko ay ang panahon para sa pagbabahagi ng kabuting-loob ,saya at. Kapayapaan. (JOJO SADIWA)