Advertisers

Advertisers

50 UNITS NG ‘MOTORCYCLE PATROL’ , KARAGDAGANG SUPORTA NG NCRPO

0 260

Advertisers

UPANG higit na mapangalagaan ang kaayusan,katahimikan at kaligtasan ng mamamayan ay pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PMGen Jonnel C Estomo ang pagsalin ng karagdagang 50 units ng motorsiklo upang palakasin ang seguridad sa Kamaynilaan.

Ang turn-over at blessing ng 50 units na ‘motorcycle patrol’ ay ipinamahagi sa Northern Police District (NPD), Eastern Police District (EPD), Manila Police District (MPD), Southern Police District(SPD) at Regional Headquarters Support Unit (RHSU) sa harap ng NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ayon kay Estomo, layunin nitong pahusayin ang produktibidad at kakayahan ng mga tauhan ng NCRPO sa pagtugon sa pangangailangan ng publiko lalo na ngayong kapaskuhan at matagumpay na matupad ang taos-pusong pangako na maglingkod at protektahan ang mamamayan.



Ang 50 units ng Yamaha FZ motorcycle ay inayos at nai-turn-over ang 10 units sa NPD; 14 units sa EPD; 13 units sa MPD; 10 units sa SPD at 3 units sa RHSU. Ang karagdagang kagamitan na ito ay tanging susuporta at magpapalakas sa patrol operation ng mga tauhan ng pulisya sa paglaban sa krimen .

Ang nasabing ‘motorcycle patrol’ ay dapat gamitin sa pag-scan sa mga makikitid na eskinita na hindi maabot ng mga mobile na sasakyan.

“ Gamitin natin ang mga motor na ito para sa aking S.A.F.E NCRPO lalo na itong ating deployment effective tomorrow guidance ng ating Chief PNP yan. Gamitin natin itong mga motor na ito para magbigay ng dagdag na police visibility lalo na ngayong pasko para malessen natin yung mga krimen.”ayon kay PMgen Estomo.

Kaugnay ng security scheme na ito, nagsagawa rin ang NCRPO ng aerial inspection sa Metro Manila upang matukoy kung aling mga lugar ang muling ipatutupad batay sa density ng populasyon,sitwasyon ng trapiko at aktibidad ng mga tao. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">